2025 Seal of Child-Friendly Local Governance
September 29, 2026
Dahil sa tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga programang naglalayong pangalagaan at itaguyod ang kapakanan ng ating mga kabataan, muling nakapasa ang Lungsod ng Meycauayan sa 2025 Child-Friendly Local Governance Audit. Ito ay isang malinaw na patunay na nananatiling prayoridad ng pamahalaang lungsod ang kaligtasan, proteksyon, at maayos na kinabukasan ng mga kabataang Meycaueño.
