Ang Pamahalaang Lungsod ng Meycauayan ay nagkamit ng 102% High Functional Rating sa 2026 (LCAT-VAWC)
Nagkamit ang Pamahalaang Lungsod ng Meycauayan ng 102% High Functional Rating sa 2026 Local Committee Against Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) Functionality Assessment.
Ang pagkilalang ito ay patunay na patuloy ang pagpapatupad ng lungsod ng mga programa na naglalayong maiwasan at tuluyang mawakasan ang karahasan laban sa kababaihan at mga kabataan, gayundin ang pagpapalakas ng kanilang proteksiyon at karapatan.
